Nagsagawa ang Inayawan Police Station 7, Cebu City Police Office sa pamumuno ni Police Lieutenant Christian Darcy D. Fat, Officer-in-Charge, ng Symposium Activity sa mga mag-aaral ng Poblacion Pardo Elementary School sa Pardo, Cebu City, Cebu, noong ika-23 ng Enero, 2025.
Tinalakay sa nasabing aktibidad ang mga mahahalagang paksa tulad ng KKDAT, NTF-ELCAC, Anti-Terrorism Law, at mga Crime Prevention Safety Tips upang bigyang kaalaman ang mga mag-aaral at guro ng nasabing paaralan.
Ang mga naibahaging impormasyon ay nagbigay-daan upang maitaas ang kanilang kamalayan sa mga isyung panseguridad, gayundin ang kahalagahan ng pagiging aktibo sa pagtataguyod ng isang ligtas na kapaligiran. Bukod dito, naging inspirasyon ito upang mas maintindihan ng mga kabataan ang papel ng kapulisan sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa komunidad.
Ang ganitong mga aktibidad ay patunay na ang edukasyon at pakikipag-ugnayan sa komunidad ay mahalagang aspeto ng serbisyong pulisya.
Source: Inayawan PS7, CCPO