Boluntaryong nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group sa Poblacion II, San Jorge, Samar nito lamang Enero 20, 2025.
Kinilala ni Police Captain Petronio F Piangco III, Officer-In-Charge ng San Jorge Municipal Police Station, ang nagbalik-loob na si alyas “Jo”, 26 anyos, magsasaka at residente ng Barangay Erenas, San Jorge, Samar.
Ang pagbabalik-loob ay resulta ng matagumpay na panawagan at pagsisikap ng mga tauhan ng San Jorge Municipal Police Station kasama ang Regional Intelligence Unit 8, 33rd Special Action Company, 3rd Special Action Battalion, PNP-SAF, 1st Samar Provincial Mobile Force Company at 81st Military Intelligence Company, 8th Military Intelligence Battalion, 8th Infantry Division, Philippine Army.
Ang nasabing surrenderee ay nasa kustodiya na ng San Jorge MPS para sa facilitation ng kanyang posibleng enrollment sa programa ng ating gobyerno na Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP.
Ang pagbabalik-loob ng dating miyembro ng CTG ay representasyon na ang mga programa ng ating gobyerno sa pagwawakas ng insurhensiya at terorismo ay matagumpay na naipapatupad tungo sa pagkamit ng payapa at maunlad na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian