Nasabat ang tinatayang Php209,000 halaga ng smuggled na sigarilyo at arestado ang dalawang suspek sa ikinasang Anti-Smuggling Checkpoint Operation ng mga awtoridad sa Barangay Uban-Uban, Picong, Lanao del Sur nito lamang ika-21 ng Enero 2025.
Kinilala ni Police Colonel Robert S Daculan, Provincial Director ng Lanao del Sur Police Provincial Office, ang mga suspek na sina alyas “Gie” at alyas “Dave”, residente ng nasabing lugar.
Ayon kay PCol Daculan, naging matagumpay ang ikinasang operasyon ng mga tauhan ng Picong Municipal Police Station katuwang ang 2nd Lanao del Sur Provincial Mobile Force Company na nagresulta sa pagkakasabat ng limang kahon ng Jhazz, dalawang kahon ng Cannon at Berlin na sigarilyo, isang kahon ng King at Green Hill at tinatayang nagkakahalaga ng Php209,000 ng smuggled na sigarilyo.
Ang Lanao del Sur PNP ay nananatiling nakatutok sa pagpapanatili ng kaayusan at seguridad sa probinsya sa pamamagitan ng pinaigting na kampanya laban sa smuggling at iba pang iligal na gawain.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Señora Agbuya