Arestado ang isang Most Wanted Person na may kasong Frustrated Murder sa operasyon ng San Fernando City PNP nito lamang ika-21 ng Enero 2024 sa Barangay Camansi, San Fernando City, La Union.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Tristan Oliver B Nara, hepe ng San Fernando City PNP, ang suspek na si alyas “Vigo”, 49 taong gulang, residente ng Barangay Zone 5, Sogod, Southern Leyte.
Dakong 3:31 ng hapon nang maaresto ang nasabing suspek sa bisa ng Warrant of Arrest ng mga operatiba ng City of San Fernando, Police Station at mayroong piyansang Php200,000.
Matagumpay ang operasyon ng PNP sa pagpapaigting ng kampanya laban sa mga taong may pananagutan sa batas dahil sa pakikipagtulungan ng mga mamamayan tungo sa mapayapa at ligtas na bagong Pilipinas.