Kalaboso sa naganap na Anti-Drug Operation ng Taguig City Police Station ang isang High Value Individual (HVI) at nasamsam ang Php340,000 halaga ng shabu sa Barangay Central Bicutan, Taguig City nito lamang Enero 21, 2025.
Kinilala ni Police Brigadier General Manuel J Abrugena, District Director ng Southern Police District, ang naarestong suspek na si alyas “Alex”, 51-anyos na nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng Southern Police District’s Drug Enforcement Unit (DDEU).
Nasamsam ng pulisya ang humigit-kumulang 50 gramo ng hinihinalang shabu, isang Php1,000 bill na ginamit bilang buy-bust money, 49 pirasong Php1,000 bilang boodle money, at isang Android phone.
Inihahanda ang reklamong kriminal dahil sa paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” laban sa suspek.
Ang SPD ay mas pinaigting ang kampanya laban sa iligal na droga, habang patuloy ang pagsisikap na matiyak ang kaligtasan ng publiko at mapuksa ang mga krimen na may kaugnayan sa droga.
Source: SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos