Pinapurihan ni Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang matagumpay na operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kahapon, Oktubre 3, kung saan nakumpiska ang P32-milyon halaga ng pekeng sigarilyo sa Balagtas, Bulacan.
Arestado naman ang apat na suspek na kinilalang sina Zeng Qiangjian, 42; Lin Shanxiong, 48; John Bejay Agujar, 25; at Rodolfo Brosas, 25.
Nakumpiska sa kanilang pag-aari ang 27 karton ng Marlboro light cigarettes (50 ream bawat karton); anim (6) karton na Marlboro red cigarettes (50 ream bawat karton); 41 karton ng Marvel red cigarettes (50 ream bawat karton); 26 karton ng Jackpot cigarettes (50 ream bawat karton); 41 karton ng Union cigarettes (50 ream bawat karton); 15 karton ng Cambo cigarettes (50 ream bawat karton); 167 karton ng Fortune blue cigarettes (50 ream bawat karton); 49 karton ng Mighty green cigarettes (50 ream bawat karton); 637 karton ng Two Moon cigarettes (50 ream bawat karton); 95 karton ng Fortune green cigarettes (50 ream bawat karton); at 244 karton ng D&B cigarettes (50 ream bawat karton).
Sa kabuuan, nagkakahalaga ng P32,305,000 ang nakumpiskang mga pekeng sigarilyo.
Bukod sa kontrabando, kinumpiska rin ang Isuzu elf truck, boodle money, at Php1,000.
“Patuloy ang mga iligal na gawain sa panahon ng pandemya and that is the reason we in the PNP are also not lowering our guard against them,” giit ni PGen Eleazar.
Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Art. 189 ng Revised Penal Code, RA 7394 (The Consumer Act of the Philippines), RA 8293 (Intellectual Property Code of the Philippines), at RA 1937 (An Act to Revise and Codify the Tariff and Custom Law of the Philippines).
####
Article by Police Corporal Josephine T Blanche