Nasakote ang isang 23-anyos na lalaki ng mga tauhan ng Taguig City Police Station sa isinasagawang follow-up operation dahil sa indiscriminate firing incident na naganap sa Barangay New Lower Bicutan, Taguig City at iligal na pagmamay-ari ng baril at mga bala nito lamang Martes, Enero 21, 2025.
Kinilala ni Police Colonel Joey T Goforth, Chief of Police ng Taguig CPS, ang suspek na si alyas “Ryan”.
Ayon kay PCol Goforth, nagpaputok ang suspek ng baril na agad nirespondihan ng kapulisan.
Narekober ng mga awtoridad ang isang improvised short firearm na walang serial number, kasama ang apat na live round ng .45-caliber ammunition at isang empty shell.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” o RA 10591 at “Omnibus Election Code” o RA 7166 at Alarm and Scandal.
Ang pag-aresto ay alinsunod sa pagpapatupad ng nationwide election gun ban, na ipinatupad sa ilalim ng Omnibus Election Code (RA 7166).
Ipinagbabawal ng regulasyon ang pagdadala ng mga baril at nakamamatay na armas sa panahon ng halalan upang matiyak ang kaligtasan ng publiko at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan.
Source: SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos