Isinuko ng isang Barangay Kagawad ang isang baril sa mga tauhan ng Norala Municipal Police Station, Barangay Poblacion Norala, South Cotabato nito lamang ika-21 ng Enero 2025.
Kinilala ni Police Major Jose Golez Jr., Acting Chief of Police ng Norala Municipal Police Station, ang sumuko na si alyas “Ron”, barangay kagawad.
Bandang 12:30 ng hapon isinuko sa mga awtoridad ang isang unit ng homemade 20 Gauge break open hand gun bilang kampanya ng ipinagbabawal ang pagdadala ng baril ngayong election period.
Hinihikayat ng PNP na isuko sa mga awtoridad ang mga iligal na kagamitan at makipag-ugnayan sa pulisya dahil ipinapatupad ang Election gun ban.