Isinagawa ng Regional Police Community Affairs and Development Unit (RPCADU) 12 ang Information Drive and Awareness Campaign on Social Media Awareness sa mga mag-aaral ng Datu Abdullah Tondog Elementary School sa Alabel Sarangani, Province nito lamang Enero 21, 2025.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Patrolman Gio Batungbacal at Patrolman Jerald Gallardo Action PNCO, sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Demetrius E Taypin, Officer-In-Charge ng RPCADU 12.
Itinuro sa mga Grade 5 at Grade 6 na mga mag-aaral ang kahalagahan ng wastong paggamit ng social media para sa komunikasyon at tamang impormasyon.
Ngunit, kasama nito ang mga hamon tulad ng maling impormasyon, cyber-bullying, privacy issues, at adiksyon.
Layunin ng aktibidad na ito na turuan ang mga mag-aaral ng tamang paggamit, maiwasan ang fake news at maprotektahan ang personal na impormasyon.
Layunin din nitong hikayatin ang pagiging responsable at positibong impluwensya sa online na komunidad.