Mahigit Php143,820 halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang suspek sa ikinasang buy-bust operation ng mga operatiba ng Malaybalay City PNP nito lamang ika-18 ng Enero 2025 sa Barangay Sumpong, Malaybalay City, Bukidnon.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Joepet B Paglinawan, Officer-In-Charge ng Malayabalay City Police Station, ang mga naarestong suspek na isang 32 anyos at isang menor-de-edad, pawang mga residente ng nasabing lugar.
Sa buy-bust operation ay nasamsam ang anim na pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na nasa 21.15 na gramo na may halagang Php143,820; isang portable digital weighing scale; isang lighter at Php500 bill na ginamit bilang buy-bust money.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Ang Malaybalay City PNP ay patuloy sa pagsasagawa ng mga operasyon kontra ilegal na droga o anumang uri ng krimen para mapanatiling payapa at ligtas ang mga nasasakupang komunidad.