Arestado ang isang Construction Worker sa isinagawang Manhunt Charlie Operation ng mga kawani ng Umingan Municipal Police Station nitong Biyernes, ika-17 ng Enero 2025.
Kinilala ang suspek na si alyas “Joval”, 36 taong gulang at residente ng Barangay Ricos, Umingan, Pangasinan.
Naaresto ang suspek dakong 11:45 ng umaga sa kanyang tinitirhan sa bisa ng Warrant of Arrest dahil sa kasong paglabag ng Republic Act 9262 o” Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004” na may itinakdang piyansa ng Php90,000.
Patuloy ang epektibo at mas pinaigting na kampanya ng mga kapulisan laban sa mga may pananagutan sa batas upang mabigyan ng hustisya ang kanilang mga biktima.
Source: Umingan Municipal Police Station
Panulat ni PMSg Bader Ceasar Ayco