Boluntaryong nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group sa Barangay Calachuci, Catarman, Northern Samar nito lamang Enero 17, 2025.
Kinilala ni Police Major Berniede L Magamay, Force Commander ng 1st Northern Samar Provincial Mobile Force Company, ang nagbalik-loob na si alyas “Jason”, 34 anyos, magsasaka na residente ng Barangay Paticua, Catarman, Northern Samar.
Ang pagbabalik-loob ay resulta ng matagumpay na pakikipagnegosasyon ng mga tauhan ng 1st Northern Samar Provincial Mobile Force Company kasama ang Catarman Municipal Police Station.
Ang nasabing surrenderee ay nasa kustodiya na ng 1st Northern Samar PMFC para sa facilitation ng kanyang posibleng enrollment sa programa ng ating gobyerno na Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP.
Ang pagbabalik-loob ng dating miyembro ng CTG ay representasyon na ang mga programa ng ating gobyerno sa pagwawakas ng insurhensiya at terorismo ay matagumpay na naipapatupad tungo sa pagkamit ng payapa at maunlad na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian