Arestado ang isang Regional Most Wanted Person sa isinagawang Joint Manhunt operation ng San Pedro PNP at Bocaue PNP sa Barangay Poblacion, Bocaue, Bulacan nito lamang ika-18 ng Enero 2025.
Kinilala ni Police Colonel Ricardo I Dalmacia, Provincial Director ng Laguna PPO, ang suspek na si alyas “Jayson”, residente ng San Pedro City, Laguna.
Naaresto ang suspek bandang 12:55 ng hapon ng mga tauhan ng San Pedro Component City Police Station at Bocaue Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Rape na walang piyansa.
Ang matagumpay na operasyon ay nagpapakita ng mabilis na pagtugon ng pulisya sa pagsugpo ng iba’t ibang uri ng krimen at paghuli sa mga nagkasala sa batas upang agad na mabigyan ng hustiya ang mga biktima nito.
Source: Laguna Police Provincial Office
Panulat ni Patrolwoman Angelica Rica S Teng