Isinagawa ang Emergency Response Training ng Regional Medical and Dental Unit 10 na ginanap sa Cagayan de Oro City Police Office Headquarters, Clark M Recto Avenue, Cagayan de Oro nito lamang Enero 17, 2025.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga miyembro ng Regional Medical and Dental Unit 10 sa ilalim na pamumuno ni Police Colonel Liza A Gomera, Chief, RMDU 10, na nagsagawa ng Emergency Response Training para sa 20 na miyembro ng Cagayan de Oro City PNP.
Sa naturang aktibidad ay tinuruan ang mga lumahok patungkol sa Basic Life Support (with return demonstration); Gunshot Wound Management (First Aid); Basic Wound Care; Personal Protective Equipment Protocol at Other Emergencies tulad ng heat stroke, heat exhaustion, epilepsy at proper transport.
Layunin ng aktibidad na bigyan ng sapat na kaalaman sa wastong pag-responde sa panahon ng emergency at medikal na atensyon ang 20 na tauhan mula sa Cagayan de Oro City PNP para sa kanilang epektibo at mahusay na pagganap sa sinumpaang tungkulin.