Tuguegarao City, Cagayan (February 21, 2022) – Matagumpay na nailunsad ng Valley Cops ang KASIMBAYANAN (Kawani, Simbahan, at Pamayanan) for S.A.F.E (Secure, Accurate, Free/Fair Elections) 2022 sa Camp Marcelo A. Adduru, Tuguegarao City, Cagayan noong Pebrero 21, 2022.
Ang programa ay pinangunahan ni Police Brigadier General Steve Ludan, Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 2 at dinaluhan nina Atty. Julius D. Torres, Regional Director ng Commission on Elections (COMELEC) Region 2; Jonathan Paul M. Leusen, Jr., Regional Director ng Department of Interior and Local Government (DILG) Region 2; Atty. Gelacio Bonggat ng National Bureau of Investigation (NBI) Region 2; Police Brigadier General Steve D. Crespillo, Brigade Commander ng 501st Brigade, Philippine Army (PA); Engr. Ronald Bariuan, Provincial Officer ng Department of Information and Communications Technology (DICT) Cagayan; Pastor Danny Punay, Regional Life Coach; mga representante mula sa simbahan at mga pribadong sektor.
Alinsunod dito ang pagsagawa ng ceremonial pinning ng Safe 2022 pin, pagsindi ng Safe candles, pagpakawala ng puting kalapati, pagpirma ng pledge of commitment at nagtapos sa pagpakawala ng puting lobo.
“Sama-sama nating protektahan ang nalalapit na May 2022 National and Local Elections. Huwag nating hayaan na dungisan at ipagsawalang bahala ang pagiging sagrado nito sapagkat ito ang ating boses bilang isang sambayanan para makamit ng nakararaming mamamayan ang inaasahan nilang mabuting pagbabago”, ani PBGen Ludan.
Inaasahan na sa patuloy na pakikiisa at pakikipagtulungan ng simbahan, pamayanan at iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ay makakamit ang isang payapa at malinis na halalan sa darating na Mayo 2022.
###
Panulat ni PSSg Mary Joy D. Reyes, RPCADU2
Tagumpay salamat sa PNP para maging ligtas na halalan