Nasabat mula sa isang pinagsamang operasyon ng pulisya ang tinatayang Php120,000 halaga ng shabu at nadakip ang tatlong High Value Target sa Phase 6, Martinez Subdivision, Barangay Dahican, Lungsod ng Mati, Davao Oriental nito lamang Enero 17, 2025.
Kinilala ni Police Major Al Anthony Gumban, Chief of Police, ang mga suspek na sina alyas “Marvy”, “Peter” at alyas “Dexter”.
Ang operasyon ay nagbunga ng pagkakumpiska ng pinaniniwalaang shabu, na may Standard Drug Price (SDP) na Php120,000 at iba pang non-drug items sa pangunguna ng Mati City Police Station, Davao Oriental Provincial Drug Enforcement Unit at PDEA Davao Oriental.
Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang kakaharapin ng mga suspek.
Ang Police Regional Office 11 ay aktibong labanan ang mga indibidwal at organisasyon na sangkot sa ilegal na kalakalan ng droga upang maging tahimik at maayos ang ating pamayanan.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino