Davao de Oro (February 21, 2022) – Mabilis na rumesponde ang mga tauhan ng Revitalized-Pulis sa Barangay Cluster 11 sa isang nasusunog na bahay sa Davao de Oro noong Pebrero 21, 2022.
Matapos matanggap ng R-PSB Cluster 11 sa pamumuno ni PLt Jeanette Pagulong, Team Leader ang report mula sa Municipal Fire Station, ay kaagad na tinungo ng grupo ang nasabing bahay upang apulahin ang sunog at ang pagkalat ng apoy sa mga katabing kabahayan nito kasama ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP).
Sinasabing ang sunog ay dahil sa napaglaruang posporo ng tatlong (3) taong gulang na anak ni Ginang Jenifer Lascuña. Sa kabila nito, malaki ang kanyang naging pasasalamat sa tulong ng R-PSB at BFP.
Ang pagkakaroon ng R-PSB sa bawat komunidad ay malaking tulong dahil sa kanilang agarang aksyon sa mga katulad na insidente at pangyayari. Sila ay palagi ring handang tumulong hindi lamang sa pagpapatupad ng batas kundi pati na sa mga residente ng Barangay sa pamamagitan ng iba’t ibang programa at aktibidad na katuwang ang pamahalan.
####
Panulat ni Patrolman Preal Cris S Edosma