Antequera, Bohol (February 21, 2022) – Malugod na ipinaabot ng kapulisan ng Antequera Police Station ang tulong sa may kapansanan na residente ng Antequera, Bohol noong umaga ng Pebrero 21, 2022.
Ang benipisyaryo ng programa ay si Isagani Magbanua, na residente ng Brgy. Bungahan, Antequera, Bohol. Lubos naman ang kanyang tuwa at pasasalamat ng matanggap ang bigas at grocery na handog ng Antequera PS.
Pinangunahan ng PCR PNCOs na sina PSMS Helena E Guitones at PCpl Gleenefer C Arais sa direktang pangangasiwa ni PLt Johnrey Cutin Digao, Acting Chief of Police ang pagbigay ng munting handog kay Isagani.
Ang naging hakbangin na ito ng kapulisan ng Antiquera ay alinsunod sa isa sa mga programa na inilunsad ng nasabing istasyon, ang “Operasyon Tabang sa Antequera Pulis (OTAP)” at ng PNP program na “PNP`s Adopt a Family” at ang “Kapwa Ko, Sagot Ko”, na kung saan, layunin nito na makapagbigay ng tulong sa ating mga mahihirap na kababayan.
###
Panulat ni Patrolman Edmersan Llapitan
May malasakit talaga ang mga kapulisan sa lahat ng oras