Tinatayang Php288,000 halaga ng marijuana ang nadiskubre ng mga operatiba ng PNP sa Sitio Legab, Kayapa, Bakun, Benguet nito lamang ika-10 ng Enero 2024.
Ayon kay Police Colonel Joseph P Bayongasan, Provincial Director ng Benguet Police Provincial Office, naging matagumpay ang operasyon sa pagsisikap ng pinagsanib na pwersa ng mga operatiba sa pangunguna ng Benguet 1st PMFC, katuwang ang Bakun Municipal Police Station, Provincial Intelligence Unit ng Benguet Police Provincial Office, Provincial Drug Enforcement Unit, Regional Intelligence Division-Police Regional Office- Cordillera, at Philippine Drug Enforcement Agency- Cordillera.
Ang operasyon ay nagresulta sa pagkadiskubre ng tinatayang 1,440 piraso ng Fully Grown Marijuana Plants na may Standard Drug Price na Php288,000
Bagamat walang nahuling cultivator, lahat ng nadiskubreng marijuana ay naidokumento at sinunog sa mismong lugar.
Pinuri naman ni PCol Bayongasan ang mga operatiba sa kanilang matagumpay na operasyon at patuloy ang pagsuporta sa isinusulong ng Pangulong Ferdinand R Marcos Jr., na Wwhole-of-Nation Approach na kinakailangan para maging illegal drug free ang ating bansa.
Panulat ni Patrolwoman Melba Langbis