Arestado ang tinaguriang Top 10 Regional High Value Individual at dalawa pang drug personality sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Kingking, Pantukan, Davao de Oro nito lamang ika-11 ng Enero 2025.
Ang naturang operasyon ay pinangunahan ng Regional Police Drug Enforcement Unit 11 sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Major Maynard D. Pascual katuwang ang mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit, 2nd Davao de Oro Provincial Mobile Force Company at Pantukan Municipal Police Station.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas “William” na tinaguriang Top 10 Regional High Value Individual, alyas “Christian” at alyas “Rovelyn”, parehong nakatalagang Street Level Individual.
Nakuha mula sa mga suspek ang 16 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng Php108,800 at iba pang non-drug items.
Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang kakaharapin ng mga suspek.
Sa pakikiisa ng publiko at sa pagsisikap ng PNP, inaasahan ang patuloy na matagumpay na mga operasyon at programang nagsusulong ng kaayusan at kapayapaan para sa bawat Dabawenyo.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino