Arestado ng mga tauhan ng Butuan City Police Office ang suspek sa pananaksak ng isang babae sa Barangay Ampayon, Butuan City nito lamang Enero 10, 2025.
Kinilala ni Police Colonel Rommel D. Villamor, City Director ng Butuan City Police Office, ang suspek na si alyas “Emman,” 21 anyos, isang estudyante.
Nabatid na nahuli ang suspek sa isinagawang drug buy-bust operation ng Butuan City Police Station 4 na pinangunahan ni Police Lieutenant Marlon Eguna sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Captain Denis Bon, katuwang ang PDEA RO13.
Narekober mula sa suspek ang tinatayang 0.29 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang Php2,006.
Ang suspek ay sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” at Frustrated Murder.
“This achievement not only tackles illegal drugs in our city but also brings justice to this suspect’s victim. The Butuan PNP continues in its mission to protect the lives of every Butuanon. I thank all agencies and citizens for their cooperation in achieving this success against crime and illegal drugs. Let us continue to work together so that peace will be achieved for all,” ani PCol Villamor.
Panulat ni Patrolwoman Karen Mallillin