Sunday, January 12, 2025

Isang indibidwal, arestado ng Valenzuela PNP; baril at bala, nakumpiska

Arestado ng mga tauhan ng Valenzuela City Police Station ang isang 46-anyos na lalaking suspek na sangkot sa insidente ng pananakit at ilegal na pagdadala ng baril nito lamang Biyernes, Enero 10, 2025.

Ayon kay Police Colonel Josefino D Ligan, Acting District Director ng Northern Police District, naganap ang insidente bandang 2:30 ng madaling araw malapit sa isang basketball court sa kahabaan ng Dominador Asis Street, Barangay Gen. T. De Leon, Valenzuela City.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na nakipag-inuman ang suspek sa biktima at isang testigo.

Sa kanilang pag-uusap, biglang dinampot ng suspek ang isang bote ng Red Horse beer at hinampas sa bibig ang biktima na nagdulot ng mga sugat at pagkawala ng ngipin.

Nabatid na nagpaputok din ng baril ang biktima at agad tumakas sakay ng kanyang motorsiklo.

Agad namang nagsagawa ng follow-up operation ang mga rumespondeng opisyal at barangay tanod sa tirahan ng suspek at narekober ang isang kalibre. 5.56 rifle (Spikes’ Tactical Apopka, FL, USA) na kargado ng 17 na bala at isang kalibre .45 pistol (ARMSCOR) na kargado ng anim na bala.

Nabigo ang suspek na magpakita ng anumang legal na dokumento sa mga baril, na nag-udyok sa pulisya na arestuhin.

Nahaharap ang suspek sa mga kasong Serious Physical Injuries, Discharge of Firearms (Article No. 254), at Paglabag sa Republic Act 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”.

“Ang operasyong ito ay sumasalamin sa aming pangako sa pagtiyak ng kaligtasan ng publiko at paghahatid ng mabilis na hustisya. Ang pagkahuli sa suspek ay nagpapakita ng dedikasyon ng Northern Police District sa proactive na pagpapatupad ng batas,” saad ni PCol Ligan.

Source: NPD PIO

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,330SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles