Tinatayang Php568,000 halaga ng smuggled cigarettes ang nakumpiska sa dalawang indibidwal sa isang intensified checkpoint operation ng mga awtoridad nito lamang ika-8 ng Enero 2025 sa Barangay Campong, Pantar, Lanao del Norte.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Isralene Lauren, Acting Force Commander ng 1005th Regional Mobile Force Battalion 10, ang dalawang suspek na sina alyas “Tom”, 31 anyos, driver, residente ng Zamboanga City, at alyas “Ben”, 28 anyos, habal-habal driver at residente ng Patikul, Sulu.
Sa operasyon ay nakumpiska ang 710 reams ng iba’t ibang brand ng smuggled cigarettes na nasa loob ng isang Van na nagkakahalaga ng Php568,000.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10643 o “The Graphic Health Warning Law”.
Patuloy ang PNP sa maigting na kampanya kontra ilegal na aktibidad upang mapanatili ang isang payapa at maunlad na bansa.