Arestado ng mga tauhan ng PNP 2nd Special Operations Unit – Maritime Group (SOU-MG) Headquarters Task Team “PLUTUS” ang mag-asawa na nagbebenta ng mga smuggled na sigarilyo sa Barangay 4, Poblacion, Roxas, Palawan nito lamang ika-8 ng Enero 2025.
Naisagawa ang anti-smuggling operation sa pakikipagtulungan ng Roxas Municipal Police Station (MPS), Provincial Intelligence Team (PIT) Palawan, Regional Intelligence Unit (RIU) 4B at Philippine Coast Guard – Intelligence Group (PCG-IG).
Ayon sa ulat, nadakip ang mga suspek habang nagbebenta ng 432 reams ng assorted cigarettes sa isang poseur-buyer nang walang kaukulang permits na isang paglabag sa Republic Act No. 10643 o “An Act to effectively instill Health Consciousness through Graphic Health Warnings on Tobacco Products”.
Maging ang sasakyang ginamit sa pagbibyahe ng mga iligal na produkto ay kinumpiska rin ng mga awtoridad.
Source: The Palawan Times
Panulat ni Patrolwoman Ana Rose D Guadaña