Naaresto ang tatlong (3) Most Wanted Person sa MIMAROPA noong Setyembre 30, 2021 at Oktubre 1, 2021.
Ang Rank 4 Most Wanted Person-Provincial Level ay naaresto sa Marfrancisco, Pinamalayan, Oriental Mindoro noong Oktubre 1, 2021 na kinilalang si Edelron Historillo, 34 taong gulang, married, laborer at residente ng naturang lugar sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Hon. Harry D Haminola, Presiding Judge ng RTC ng Pinamalayan, Oriental Mindoro sa kasong Qualified Rape in relation to R.A.7610 (two (2) counts) docketed under CC No. CR21-11694 at CR21-11693, walang rekomendang piyansa.
Sa parehong araw din ay naaresto ang Rank 1 Most Wanted Person-Municipal Level noong Oktubre 1, 2021 na kinilalang si Ruel Servando Francisco, 48 taong gulang, magsasaka, at residente ng Barangay Decalachao, Coron, Palawan. Siya ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni Hon. Judge Arnel P. Cezar, Presiding Judge ng RTC Branch 163 Coron, Palawan para sa paglabag sa R.A 8353 (Rape by Sexual Assault) at (Rape by Carnal knowledge under Art. 266-A par.1) docketed under Criminal Case No. CRN-2019-0168, at walang rekomendang piyansa.
Gayundin, naaresto rin ang Rank 3 Most Wanted Person-Municipal Level sa pinagsamang pwersa ng mga tauhan ng San Jose Municipal Police Station at Maritime Police Station sa Barangay Poblacion 7, San Jose, Occidental Mindoro noong Setyembre 30, 2021 na kinilalang si Vergilio Enano Valdez, 26 taong gulang, may asawa, mangingisda, at residente ng Barangay Ilin Proper, San Jose, Occidental Mindoro. Si Valdez ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Hon. Ulysess D Delgado, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Br 46, San Jose, Occidental Mindoro para sa kasong Murder.
Ang mga naaresto na Most Wanted Persons ay nasa kustodiya na ng kani-kanilang mga Police Station para sa tamang disposisyon.
####
Article by: Patrolman Mark Manuba