Friday, January 10, 2025

Random Drug Test, isinagawa sa PRO BAR

Isinagawa ang random drug test sa mga tauhan ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region sa Camp Brigadier General Salipada K. Pendatun, Parang, Maguindanao del Norte nito lamang ika-6 ng Enero 2025.

Pinangunahan ni Police Brigadier General Romeo Juan Macapaz, Regional Director ng PRO BAR, ang naturang aktibidad bilang bahagi ng patuloy na kampanya ng PNP laban sa ilegal na droga at upang tiyakin ang integridad at disiplina ng mga tauhan nito.

“Ang mga pulis ay kailangang maging huwaran sa pagsunod sa batas at dapat manatiling malaya sa anumang kaugnayan sa ilegal na droga,” saad ni PBGen Macapaz

Sakop ng drug testing ang lahat ng opisyal at mga non-commissioned officers mula sa iba’t ibang yunit ng PRO BAR.

Ang nasabing drug test ay kaugnay ng mas malawak na inisyatibo ng Bagong Pilipinas, na naglalayong magtatag ng isang malinis, epektibo, at maaasahang serbisyo publiko. Patuloy ding ipinaaalala ng PRO BAR ang kanilang dedikasyon sa pagsisiguro ng kaayusan at kaligtasan ng bawat komunidad sa rehiyon.

Panulat ni Patrolwoman Ma. Señora Agbuya

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,330SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles