Sta. Cruz, Laguna (February 20, 2022) – Naaresto ang isang (1) lalaki sa isinagawang Search Warrant Operation ng mga kapulisan ng Sta. Cruz Municipal Police Station (MPS) sa Sitio 3, Barangay Alipit, Sta. Cruz, Laguna noong Pebrero 20, 2022.
Kasama sa operasyon ang 2nd Laguna Provincial Mobile Force Company (PMFC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng Laguna kaugnay sa pagpapatupad ng Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation (SACLEO) ng Pambansang Pulisya.
Kinilala ang naarestong suspek na si Victorino Ricamora Paglinawan, alyas ‘Vic’, 43 anyos at nanirahan sa nasabing lugar.
Naaresto ang suspek sa bisa ng Search Warrant number 22-3637 at 22-3638 na inilabas ni Hon. Judge Divinagrascia G. Bustos-Ongkengko, Executive Judge, Sta. Cruz, Laguna.
Nakumpiska sa suspek ang pitong (7) pirasong transparent plastic sachets ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng Php850,000, isang (1) caliber 38 revolver na may limang (5) bala, isang (1) pirasong bala na 9 mm, isang (1) pouch, isang (1) belt bag at isang (1) timbangan.
Sinampahan ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya ay kasalukuyang nasa kustodiya na ng Sta. Cruz MPS para sa tamang dokumentasyon at disposisyon.
###
Panulat ni PEMS Joe Peter V. Cabugon, RPCADU 4A
Salamat s mga kapulisan