Tiklo ng mga tauhan ng Muntinlupa City Police Station ang dalawang indibidwal dahil sa paglabag sa City Ordinance. 14-092, na nagbabawal sa pagkakaroon ng paputok sa Block 47, Soldiers Hills Village, Barangay Poblacion, Muntinlupa City nito lamang Biyernes, Disyembre 27, 2024.
Ayon kay Police Brigadier General Manuel J Abrugena, District Director ng Southern Police District, nahulihan ng iba’t ibang paputok ang mga suspek na kinilalang sina alyas “Vince”, 26, tricycle driver at alyas “Marvin”, 30 anyos, machine operator.
Nakumpiska ng mga awtoridad ang iba’t ibang uri ng paputok, kabilang ang 100 piraso ng Kwitis, pitong bundle ng small lucis, 20 piraso ng whistle bomb, tatlong maliit na batibot fountain, limang maliit na silver fountain, dalawang bell orchid fountain, at tatlong maliit na fountain.
Ang kabuuang tinatayang halaga ng mga nasamsam ay Php3,830.
Nakaalerto ang SPD upang masiguro ang kaligtasan ng mamamayan ngayong Holiday Season at upang maiwasan ang mga sakunang dulot ng mapaminsalang paputok.
Source: SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos