Sunday, January 5, 2025

Ceremonial Disposal ng mga paputok, pinangunahan ni RD PRO6

Pinangunahan ni Police Brigadier General Jack L Wanky, Regional Director ng Police Regional Office 6 (PRO 6), ang Ceremonial Disposal para sa mga nakumpiska, nasamsam, at isinukong paputok, pyrotechnic devices, at improvised cannon o “boga” nito lamang ika-30 ng Disyembre 2024.

Kasama sa nasabing aktibidad ang Regional Explosive Ordinance Disposal and Canine Unit 6, Regional Civil Security Unit 6, at Bureau of Fire Protection (BFP).

Umabot sa kabuuang 1,289 pirasong paputok at pyrotechnic devices, kasama ang 426 boga, ang winasak sa nasabing seremonya. Ang mga ito ay tinatayang nagkakahalaga ng Php46,710.

Ang pagsira sa mga nakumpiskang paputok at iba pang delikadong kagamitan ay isinagawa upang maiwasan ang posibleng pinsala, sunog, at iba pang insidente na maaaring idulot ng mga ito.

Ang mga paputok na nasamsam ay resulta ng pinaigting na operasyon ng pulisya laban sa iligal na distribusyon at paggamit ng mga ito sa rehiyon.

Layunin ng seremonya na tiyakin ang ligtas at tamang pagsira sa mga delikado at iligal na paputok at kagamitan upang maiwasan ang posibleng pinsala sa publiko.

Ang Ceremonial Disposal na pinangunahan ng ama ng pulisya sa Rehiyon ng Western Visayas ay naging makabuluhan hindi lamang para sa pagpapakita ng suporta sa kampanya laban sa iligal na paputok, kundi pati na rin sa pagpapalakas ng tiwala ng komunidad sa kakayahan ng pulisya at iba pang ahensya ng gobyerno sa pagpapatupad ng batas.

Patuloy namang hinihikayat ng Philippine National Police ang publiko na makipagtulungan sa mga kinauukulan upang labanan ang iligal na distribusyon at paggamit ng mga paputok, lalo na ngayong nalalapit ang pagdiriwang ng Bagong Taon, dahil sa Bagong Pilipinas ang gusto ng pulis, ligtas ka!.

Source: PCADGWesternVisayas

Panulat ni Pat Lyneth Sablon

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,330SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles