Nakumpiska ng mga Intel Operatives ng Calatagan MPS ang mga ipinagbabawal at iligal na paputok nito lamang Disyembre 26, 2024, bandang 11:30 ng umaga, sa Barangay 4, Calatagan, Batangas.
Kabilang sa mga nakumpisksa ng pulisya ang 72 piraso ng Whistle Bomb, 13 piraso ng Bawang, at 15 kahon ng piccolo, mula sa bangketa malapit sa Pampublikong Pamilihan sa Bayan ng Calatagan.
Dinala sa himpilan ng pulisya ang mga nasabing paputok para sa kaukulang disposisyon.
Upang magkaroon ng tahimik at ligtas na pagdiriwang ng Bagong Taon, ang Pulisya ng Calatagan ay magpapatuloy sa kanilang kampanya laban sa mga iligal na paputok at paghuli sa mga lalabag dito.
Ang pulisya ay patuloy na nananawagan sa publiko na maging mapagmatyag at isumbong ang mga nagbebenta ng iligal na paputok sa pinakamalapit na istasyon ng pulisya.
Source: Calatagan MPS
Panulat ni Pat Maria Sarah P Bernales