Bayambang, Pangasinan (February 19, 2022) – Naaresto ng mga kapulisan ang Top 5 Most Wanted Person (MWP) ng Baguio City sa Barangay Maigpa, Bayambang, Pangasinan noong Pebrero 19, 2022.
Pinangunahan ng Bayambang Police Station (PS) ang operasyon sa direktang pangangasiwa ng kanilang Officer-In-Charge na si Police Lieutenant Colonel Jim Fajardo at Station 6 ng Baguio City Police Station sa pamumuno ni Police Lieutenant Cesar Dolenen
Kinilala ang suspek na si Liza “Ediliza” Tamondong y Portea, 61 taong gulang, may-asawa, walang hanapbuhay at nakatira sa Barangay Maigpa, Bayambang, Pangasinan.
Naaresto ang nasabing suspek sa bisa ng Warrant of Arrest ng kasong Presidential Decree (PD) 1920 at 2018 (Illegal Recruitment) at RA 8041 o National Water Crisis Act of 1995, ICP na my Criminal Case Numbers 25334-R at 25335-R na inilabas ni Hon Ruben C. Ayson, Presiding Judge ng RTC Branch 6, Baguio City noong Hunyo 28, 2006 at may rekomendadong piyansa na nagkakahalaga ng Php100,000 sa bawat kaso para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Ang suspek ay binigyan ng atensyong medikal at kasalukuyang nasa kustodiya ng Bayambang PS para sa mas masusing imbestigasyon.
Source: Bayambang Police Station
###
Panulat ni PSSg Vanessa A. Natividad/RPCADU1