Bayambang, Pangasinan (February 19, 2022) – Arestado ang Top 3 Most Wanted Person (MWP) ng Parañaque City at Top 6 ng Southern Police District (SPD) District Level sa Barangay Sancagulis, Bayambang, Pangasinan noong Pebrero 19, 2022.
Pinangunahan ng Bayambang Police Station (PS) ang operasyon sa direktang pangangasiwa ng kanilang Officer-In-Charge na si Police Lieutenant Colonel Jim Helario at katulong ang mga tauhan ng Parañaque City Police Station (PS).
Ang naarestong suspek ay kinilala na si Garry “Remy” Galias y Balat, 41 taong gulang, may-asawa, construction worker at residente ng Barangay Sancagulis, Bayambang, Pangasinan.
Naaresto ang nasabing suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder na inilabas ni Hon. Rolando G. How, Presiding Judge ng RTC Branch 275 Parañaque City, noong Nobyembre 30, 2019 at walang rekomendadong piyansa.
Ang suspek ay binigyan ng atensyong medikal at kasalukuyang nasa kustodiya ng Bayambang PS para sa tamang dokumentasyon bago iturn-over sa Parañaque City PS para sa mas masusing imbestigasyon.
Source: Bayambang Police Station
###
Panulat ni PSSg Vanessa A Natividad, RPCADU1