Matagumpay na naisagawa ng Rizal Police Provincial Office ang Disposal ng mga Kumpiskadong Firecrackers at Pyrotechnic Devices na ginanap sa Camp MGen Licerio I Geronimo, Taytay, Rizal nito lamang ika-24 ng Disyembre 2024.
Ang Programa ay pinangunahan ni Police Colonel Felipe B Maraggun, Provincial Director ng Rizal Police Provincial Office katuwang ang Command Group at mga hepe ng bawat municipal at city police station.
Base sa datos, ang Rizal PNP ay nakapagkumpiska ng ipinagbabawal na boga na aabot sa 402 piraso. Ang mga ito ay pinagtulungang sirain ng kapulisan, Bureau of Fire Protection at force multipliers na salamin sa pagkakaisa ng bawat mamamayan ng Rizal na makamit ang isang mapayapa at ligtas na probinsya.
Ang kapulisan ay aktibong katuwang sa kampanya laban sa ilegal na paputok tuwing Pasko at Bagong Taon. Sila ay nagsasagawa ng inspeksyon, operasyon, at pagkuha ng mga ilegal na paputok upang maiwasan ang aksidente. Nagbibigay rin sila ng impormasyon sa publiko tungkol sa ligtas na alternatibo tulad ng community fireworks display at mga noise-making devices.
Source: Rizal Police Provincial Office
Panulat ni Patrolwoman Angelica Rica S Teng