Nasabat ang tinatayang Php1,360,000 halaga ng shabu at arestado ang dalawang suspek sa isinagawang anti-illegal drug operation sa Barangay Langatian, Roxas, Zamboanga del Norte nito lamang ika-22 ng Disyembre 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Elmer P Solon, Chief ng Regional Drug Enforcement Unit 9, ang mga suspek na sina alyas “Rob”, 26 anyos, babae at alyas “Gab” lalaki, 28 anyos, parehong residente ng nasabing lugar.
Ikinasa ang operasyon ng Regional Drug Enforcement Unit Zamboanga del Norte katuwang ang Roxas Municipal Police Station na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek at pagkakakumpiska ng siyam na pirasong magkakaibang size ng heat sealed transparent plastic sachets na pinaghihinalaang shabu at may timbang na 200 gramo na nagkakahalaga ng Php1,360,000; isang Php500 bill na ginamit bilang buy-bust money; 55 Php1,000 bill na ginamit naman bilang boodle money at iba pang non-drug evidence.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang mga suspek.
Patuloy ang Zamboanga del Norte PNP sa mas pagpapaigting ng kampanya kontra ilegal na droga upang masiguro ang kaligtasan ng bawat mamamayan para sa mas umuunlad na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Joyce Franco