Nakumpiska ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region ang mahigit Php1 milyong halaga ng shabu na nagresulta sa pagkakadakip ng 36 law breakers sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon nito lamang ika-21 ng Disyembre 2024.
Ayon kay Police Brigadier General Romeo Macapaz, Regional Director ng PRO BAR, na kabilang sa naaresto ang 14 na mga drug personalities at nakumpiska ang Php1,175,788 halaga ng shabu na may bigat na higit 172 gramo.
Sa mas pinalakas na man-hunt operation ng PRO BAR laban sa mga wanted persons, dalawa naman ang naaresto habang 23 na mga di lisensyadong baril ang nakumpiska at isinuko habang isa ang naaresto; apat din ang naaresto dahil sa ilegal na sugal at para sa mas pinalakas na kampanya laban sa mga paglabag sa checkpoint operation at municipal ordinances, 15 katao ang nadakip at ang iba ay nakuhanan pa ng mga pampasabog.
Ang PRO BAR sa pamumuno ni PBGen Macapaz, ay mas lalong paiigtingin ang kampanya kontra kriminalidad upang mahuli ang sinumang lumalabag sa saligang batas at magkaroon ng maayos at tahimik na komunidad.
Photo Credit: RPIO PRO BAR
Panulat ni Patrolwoman Veronica Laggui