Umabot ng Php136,680 halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska mula sa isang High Value Individual sa isinagawang buy-bust operation ng Valencia City PNP sa Barangay Lumbo, Valencia City, Bukidnon nito lamang Disyembre 20, 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Harvey A Sanchez, Officer-In-Charge ng Valencia City Police Station, ang drug suspek na si alyas “Mons”, 46 anyos, technician na residente sa Don Carlos, Bukidnon na tinaguriang High Value Individual.
Nakumpiska sa suspek ang limang pakete na hinihinalang shabu na may iba’t ibang sukat na umabot na may bigat nasa 20.1 na gramo at may Standard Drug Price na Php136,680; isang cellphone at Php500 bill na ginamit bilang buy-bust money.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag Section 5, Article 11 ng Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Pinuri naman ni Police Brigadier General Jaysen C De Guzman, Regional Director ng Police Regional Office 10, ang mga operatiba para sa mahusay na pagganap sa kanilang tungkulin, “This operation demonstrates PRO 10’s unwavering dedication to eliminating the illegal drug trade in Northern Mindanao. We will continue to be relentless in our pursuit to bring perpetrators to justice and ensure the safety of our communities.”