Arestado ang isang Regional Most Wanted Person sa isinagawang manhunt operation ng Calamba PNP sa Barangay Looc, Calamba City, Laguna nito lamang ika-19 ng Disyembre 2024.
Kinilala ni Police Colonel Gauvin Mel Y Unos, Acting Provincial Director ng Laguna Police Provincial Office, ang suspek na si alyas “Bhengie”, residente ng Barangay Lecheria, Calamba City, Laguna.
Naaresto ang suspek dakong 12:20 ng tanghali sa nasabing barangay ng mga tauhan ng Calamba Component City Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong 2 Counts of Rape na walang piyansa.
Ang Laguna PNP ay magpapatuloy sa pagtugis sa mga nagkasala sa batas at upang mabigyan ng kapanatagan ang mamamayan sa lalawigan ng Laguna para sa isang ligtas at payapang komunidad.
Source: Laguna Police Provincial Office
Panulat ni Patrolwoman Angelica Rica S Teng