Arestado ng Valencia City Police Station ng Bukidnon Police Provincial Office ang isang High Value Individual at nakumpiskahan ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Purok 13, Paglaum 1, Lumbo, Valencia City, Bukidnon noong Disyembre 20, 2024.
Kinilala ni Police Brigadier General Jaysen C De Guzman, Regional Director ng Police Regional Office 10, ang suspek na si alyas “Mons”, isang 46 anyos na electronic technician at residente ng Don Carlos, Bukidnon.
Sa naturang operasyon ay nakuha mula sa suspek ang limang magkakaibang laki ng heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu, na tumitimbang ng 20.1 gramo, at may Standard Drug Price na Php136,680, isang plastic container na ginamit bilang lalagyan ng shabu, isang unit ng android phone, at Php500 bill na ginamit bilang buy-bust money.
Kasong paglabag sa Seksyon 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165, na kilala rin bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ang isasampa laban sa suspek.
“This operation demonstrates PRO 10’s unwavering dedication to eliminating the illegal drug trade in Northern Mindanao. We will continue to be relentless in our pursuit to bring perpetrators to justice and ensure the safety of our communities”, saad ni RD De Guzman.