Arestado ang isang suspek sa pagtangay ng isang motorsiklo sa isinagawang operasyon ng San Mateo PNP sa General Luna St. Barangay Guitnang Bayan 1, San Mateo, Rizal nito lamang ika-18 ng Disyembre 2024.
Kinilala ni Police Colonel Felipe B Maraggun, Provincial Director ng Rizal Police Provincial Office, ang suspek na si alyas “Jonel”, 31 taong gulang, residente ng Barangay Burgos, Rodriguez, Rizal.
Base sa salaysay ng biktima na si alyas “Rizal”, 65 taong gulang, retired PNP at nakatira sa Barangay Maly San Mateo, Rizal, nangyari ang pagnanakaw noong December 18, 2024 bandang 3:15 ng hapon na nooy iniwan niya sa harapan ng pinagtatrabahuhang security agency at nakalimutang kunin ang susi ngunit pagkaraan ng ilang oras ay napansin niya na wala sa pinagparkingan ang kanyang motorsiklo.
Mabilis namang naaresto ang suspek ng mga tauhan ng San Mateo Municipal Police Station at agad na sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 10883 o New Anti-Carnapping Law of 2016.
Ang mabilis na pagresponde ng kapulisan sa mga krimen ay mahalaga upang mapanatili ang kaayusan at seguridad ng komunidad. Nakakatulong ito sa agarang pagdakip ng mga salarin, pagsagip sa mga biktima, at pagpigil sa paglala ng insidente at pinapalakas nito ang tiwala ng publiko sa kakayahan ng pulisya.
Source: Rizal Police Provincial Office
Panulat ni Patrolwoman Angelica Rica S Teng