Nakumpiska ng mga operatiba ng Dujali Municipal Police Station ang humigit-kumulang Php680,000 halaga ng hinihinalang shabu mula sa isang Street Level Drug Personality sa isinagawang anti-illegal drug operation sa Inmates Visitation Services Unit (IVSU) ng Davao Prison and Penal Farm noong ika-20 ng Disyembre 2024.
Ang operasyon ay isinagawa sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga tauhan ng Bureau of Corrections at Dujali Municipal Police Station. Ang suspek ay kinilalang si alyas “Sally”, 28 anyos at residente ng Purok Maguintalunan, Barangay New Visayas, Santo Tomas, Davao del Norte.
Nahulihan ng tinatayang 100 gramo ng hinihinalang shabu ang suspek at kasong paglabag sa Republic Act 9165 ang kakaharapin nito.
Ang patuloy na operasyon ng Police Regional Office 11 laban sa ilegal na droga at kriminalidad ay isang konkretong hakbang upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan sa komunidad. Ang mga ganitong operasyon ay hindi lamang nakatutok sa pagsugpo sa mga drug-related offenses kundi pati na rin sa pagpapakita ng dedikasyon ng mga law enforcement agencies na tuparin ang kanilang mandato: protektahan ang mga mamamayan at itaguyod ang kaayusan sa lipunan.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino