Idinaos ang Retirement Honor para kay Police Brigadier General Alan M Nazarro, Regional Director ng Police Regional Office 13 na ginanap sa PRO 13 Grandstand, Camp Col. Rafael C. Rodriguez, Butuan City nito lamang Disyembre 20, 2024, ganap na ika-4 ng hapon.
Pinangunahan ni Police General Rommel Francisco D Marbil, Chief PNP, ang makabuluhang seremonya at nagsilbing Presiding Officer kasama sina Reverend Father Police Major Rogen L Leyson, Regional Pastoral Officer ng Chaplain Service (CHS), PRO 13 para sa panalangin na nagsilbing inspirasyon sa mga dumalo, na nagbigay-pugay sa mga sakripisyo at tagumpay ni PBGen Nazarro sa kanyang maraming taong paglilingkod sa bayan.
Sa ilalim ng pamumuno ni PBGen Nazarro, naging pangunahing adhikain ng PRO13 ang pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa rehiyon.
Ang kanyang masigasig na pamumuno ay nagbigay-daan sa mas pinaigting na kampanya laban sa kriminalidad, katiwalian, at banta sa seguridad.
Ang kanyang dedikasyon sa paglilingkod ay nag-iwan ng malalim na bakas ng pagbabago, na nagbibigay-inspirasyon sa bawat miyembro ng PNP na patuloy na pagbutihin ang kanilang serbisyo sa mamamayan.
Sa kanyang pagreretiro, isang panibagong kabanata ang kanyang haharapin, ngunit ang mga aral at halimbawa ng kanyang matapat at makataong liderato ay magpapatuloy na gabay sa PRO13 at sa buong organisasyon.
Ang seremonyang ito ay hindi lamang pagkilala sa kanyang kontribusyon, kundi isang paalala sa lahat ng kawani ng PNP sa ilalim ng Bagong Pilipinas, ang gusto ng pulis ay ligtas ka.
“Saying goodbye to the life I have known, to the organization that has been my second home, and to a calling that gave me purpose is one of the most difficult transitions I have ever faced. Yet, retirement is a path we must all walk graciously. I am ready to embrace this new chapter with an open heart, trusting in God’s promise of provision and protection,” ani PBGen Nazarro.
Panulat ni Pat Karen Mallillin