Boluntaryong isinuko ang iba’t ibang loose firearms sa Basilan PNP sa Tabuan Lasa Sub Station, Barangay Bukut Umus, Tabuan Lasa, Basilan nito lamang ika-17 ng Disyembre 2024.
Pinangunahan ni Police Lieutenant Edward Vincent T Ompoy, Officer-In-Charge ng Tabuan Lasa Municipal Police Station, ang naturang aktibidad na Small Arms and Light Weapons katuwang ang Local Government Unit ng naturang lugar, 101st Brigade, 11 Division Philippine Army.
Kabilang sa mga isinukong loose firearms ang isang yunit ng cal. 50 homemade Barret, apat na M1 Garand rifles, tatlong M16 A1, isang improvised M16 A1, dalawang M79, isang M203 Grenade Launcher, dalawang shotguns at tatlong cal.45 pistols.
Layunin ng programang ito na makalap at mahanap lahat ng loose firearms para maiwasan na magamit sa krimen at mapanatili ang seguridad at kaligtasan ng mamamayan sa bawat komunidad.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Señora Agbuya