Pinangunahan ni Police General Rommel Francisco D Marbil, Chief, Philippine National Police, ang pag-inspeksyon sa mga tindahan ng paputok sa Bocaue, Bulacan bilang bahagi ng paghahanda sa pagsalubong sa Bagong Taon nito lamang Miyerkules, ika-18 ng Disyembre 2024.
Kasama ng CPNP Marbil sa pagbisita sa tinaguriang “Fireworks Capital of the Philippines” ang Regional Director ng Police Regional Office 3 na si Police Brigadier General Redrico A Maranan, Bulacan Governor Daniel Fernando, at ilan pang opisyales ng gobyerno.
Layunin ng isinagawang inspeksyon na masigurong walang mga ipinagbabawal na paputok ang mabebenta sa mga mamimili.
Responsibilidad ng PNP na tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng publiko habang papalapit ang pagdiriwang ng Bagong Taon.
Nagpahayag naman si PBGen Maranan ng buong suporta sa direktiba ni CPNP Marbil na tiyakin ang mahigpit na pagpapatupad ng mga batas laban sa ipinagbabawal na paputok sa tulong ng LGUs at iba pang mga ahensya para sa mas ligtas, mas tahimik, at mas masayang pagdiriwang ng Kapaskuhan at Bagong Taon.