Matagumpay na isinagawa ng Asipulo Municipal Police Station ang Pamaskong Handog sa Bukig Elementary School, Barangay Camandag, Asipulo, Ifugao noong Disyembre 16, 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Asipulo MPS sa pamumuno ni Police Lieutenant Rommel Bayaona, Officer-In-Charge.
Ang aktibidad ay nagbigay suporta at saya sa komunidad, kung saan 18 benepisyaryo na kinabibilangan ng mga mag-aaral at kanilang pamilya ang nakatanggap ng mga regalo tulad ng gamit sa eskwela, lunch box na may tumbler, payong, tsinelas, at damit.
Ayon kay Police Senior Master Sargeant Noemi Tayaban, ang programa ay bahagi ng layunin ng Philippine National Police (PNP) na tumulong sa mga barangay na kabilang sa Enhanced Local Community Armed Conflict (ELCAC).
Ipinaliwanag din nito ang patuloy na inisyatiba upang abutin ang lahat ng ELCAC barangay sa bayan ng Asipulo.
Bukod sa pagbibigay ng regalo, isinagawa rin ang libreng gupit at Information Education Campaign ukol sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004, na pinangunahan ni Police Master Sargeant Blesila Recites.
Nagpahayag ng pasasalamat ang mga guro at magulang ng Bukig Elementary School sa mga natanggap na tulong.
Ang Pamaskong Handog ng Asipulo PNP ay patuloy na nagiging inspirasyon sa pagbibigay ng tulong at pag-asa sa mga nangangailangan, lalo na ngayong panahon ng Pasko.