Timbog ang isang lalaki matapos makuspiskahan ng mga bala ng baril sa ikinasang search warrant operation ng pulisya sa Barangay Morales, Koronadal City, South Cotabato bandang 6:30 ng umaga nito lamang Disyembre 17, 2024.
Ayon Kay Police Lieutenant Colonel Hoover T Antonio, Chief-of-Police ng Koronadal City Police Station, naaresto ang suspek na si alyas “Alexandrio”.
Narekober sa pag-iingat nito ang 281 na bala ng 5.56 green tip, anim na bala na Cal. 45, isang bala ng 7.62 at isang plastic M16 magazine.
Kaugnay rito, tiniyak ng South Cotabato PNP na walang humpay ang pagsasagawa ng iba’t ibang operasyon upang hulihin ang mga taong patuloy na lumalabag sa batas.