Isinagawa ang Oath-Taking Ceremony ng 400 bagong pulis recruits ng Police Regional Office 11 sa pangunguna ni Regional Director Police Brigadier General Leon Victor Z Rosete nito lamang ika-16 ng Disyembre 2024 sa Parade Ground, Camp Sgt. Quintin M Merecido, Davao City.
Matapos ang masusing proseso upang makapasok sa organisasyon, suot na ang unipormeng pinangarap at naisakatuparan dahil sa kanilang pagsusumikap.
Sa harap ng kanilang mga pamilya, kamag-anak, at mga kaibigan, ang seremonya ay naging isang emosyonal na pagtitipon, puno ng mga halakhak, yakapan, at ilang mga luha ng kagalakan.
Ang seremonya ng oath-taking ay hindi lamang isang pormalidad kundi isang simbolo ng bagong simula para sa mga recruits, na magsisilbing mga guro at tagapagtaguyod ng batas at kaayusan sa buong rehiyon.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino