Arestado ng Binalonan PNP ang isang Most Wanted Person sa kasong Qualified Theft sa Barangay Bugayong, Binalonan, Pangasinan nito lamang ika-14 ng Mayo 2024.
Kinilala ni Police Major Zynon A Paiking, Chief of Police ng Binalonan, Municipal Police Station, ang suspek na si alyas Lido, 28, residente ng Zone 1, Barangay Bugayong, Binalonan, Pangasinan.
Ayon pa kay PMaj Paiking, naaresto ang nasabing suspek dakong 3:13 ng hapon sa bisa ng Warrant of Arrest at mayroong piyansang Php72,000.
Ang Binalonan PNP ay patuloy sa pagsasagawa ng operasyon laban sa mga taong may pananagutan sa batas upang mapanatiling ligtas, tahimik, at maayos ang komunidad sa anumang krimen.
Layunin ng aktibidad na mas lalong papaigtingin ng PNP ang kampanya laban sa kriminalidad tungo sa maayos at ligtas na Bagong Pilipinas.
Source: Binalonan, Municipal Police Station
Panulat ni Patrolman Dennis P Carinal