Arestado ng Surallah PNP ang isang Most Wanted Person sa kasong Statutory Rape sa Barangay Dajay, Surallah, South Cotabato nito lamang ika-13 ng Disyembre 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Level Josef Clarete, Officer-In-Charge ng Surallah Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Lito”, 40 anyos, walang asawa, laborer, at residente ng Sitio Colombasinong, Surallah, South Cotabato.
Ayon kay PLtCol Clarete, naaresto ang suspek bandang 9:30 ng umaga sa bisa ng Warrant of Arrest sa pinagsamang puwersa ng Surallah MPS kasama ang Regional Intelligence Division 12 tracker team Charlie.
Patuloy ang Pambansang Pulisya sa pagpapatupad ng batas at pagprotekta sa mga mamamayan laban sa krimen at karahasan.