Timbog sa mga awtoridad ang Top 1 Municipal Most Wanted Person ng Bayan ng Pasuquin sa Ilocos Norte sa ikinasang Manhunt Charlie Operation ng operatiba ng Ilocos Norte Police Provincial Office nitong Huwebes, ika-5 ng Disyembre 2024.
Kinilala ang suspek na si alyas “Erong”, 37 taong gulang at residente ng Barangay Darupidip, Pasuquin, Ilocos Norte.
Dakong 10:00 ng umaga nang maaresto ang suspek ng pinagsanib na mga operatiba ng Pasuquin Municipal Police Station at Provincial Intelligence Unit ng Ilocos Norte Police Provincial Office.
Naaresto ang suspek sa Barangay Duripes, Bacarra, Ilocos Norte sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Attempted Murder na may itinakdang piyansa na Php120,000.
Patuloy ang epektibong pagganap ng mga kapulisan ng kanilang mandato para masiguradong mabigyan ng hustisya ang mga biktima ng karahasan.
Source: Pasuquin Municipal Police Station
Panulat ni PMSg Bader Ceasar Ayco