Nasabat ang tinatayang Php312,392 halaga ng hinihinalang shabu mula sa Top 5 City High Value Individual sa isinagawang buy-bust operation sa Emerald Street, Countryside Village, Bangkal, Davao City noong ika-6 ng Disyembre, 2024.
Kinilala ni Police Major Genesis P. Oriel, Acting Station Commander ng Talomo Police Station, ang suspek na si alyas “Budok”, 32 anyos at residente ng nasabing lugar, ay nahuli at nakuhanan ng humigit-kumulang 45.94 gramo ng shabu.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang suspek.
Patuloy ang mga operasyon ng Police Regional Office 11 bilang bahagi ng kanilang masusing hakbang upang labanan ang kriminalidad at tiyakin ang kaligtasan at katahimikan sa rehiyon at mapangalagaan ang kapakanan ng mga mamamayan.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino